To my mom, 

Mi bat ganon, yung masasayang moments natin dati nagiging dahilan para umiyak ako. Sayang mi di ka umabot sa graduation namin. Sayang di na tayo nakapagusap nung sunday. Minadali ko pa man din yung pagbili ng dextros mo, para maging ok ka mi. Nagiguilty ako kasi di ako madalas napasok sa kwarto mi para samahan ka tsaka di din kita nasamahan nung sinabe mong panuorin natin yung huntsman tsaka yung pag may inaask ka sakin na papicture kami sa church tsaka kina lola. Sorry na. 

Ang sakit mi. Alam kong sobrang hirap ka na nung mga nakaraang araw tsaka alam ko din na pinipilit mong lumaban mi, kasi may narinig ako na gusto mo pang lumaban kasi gusto mo pa kami makitang lumaki. Nakakalungkot kasi ikaw lang madalas kong nakkwentuhan mi sa lahat ng tao sa bahay. Mamimiss ko yung pagpicture ng ulam tas isesend sayo para mapost mo mi. Mamimiss ko yung mga post mo sa fb and insta, na di ko man lang nalalike, pero tjnitignan ko yun. Mamimiss ko yung “I love you” mo mi, as in. Yan yung pinaka mamimiss ko sa lahat. Mamimiss ko din yung pag sabi mo ng “ingat” mi, kahit simpleng salita sya nakakatuwa pa din. Mamimiss mo ko din yung ngiti mo mi. Naalala ko nga one time pumasok ako sa kwarto tas tinawag mo ko mi. Nginitian mo ko tas nag thumbs up ka. Mamimiss ko din yung meal time natin na after natin kumain may kwentuhan at tawanang kasunod. 

Dati nung bata pa ko ikaw mi yung sinasabihan ko ng “pasalubong, yung piattos” ngayon ikaw naman nagrerequest ng ganon kaso iba’t ibang chichirya naman. Pag nasa kwarto mo ko mi puro ka utos non tapos ako sumusunod naman pero may mga times na naiirita na ko, pero sabi mo nga naman mi “kung kaya ko lang yan gawin, ako na gagawa nyan”. Ang sakit mi. Kala ko ok na ko. Akala ko di na ko iiyak. Akala ko di na ko mageemote ng ganito. Mi, alam kong ok ka na dyan sa langit. Alam kong nasa purest form ka na dyan mi. Mi, mahal na mahal kita. Kahit di ako showy or madalas magsabi ng i love you. Mahal kita mi. Mahal na mahal ka namin mi. Dati, nung June 2016, nahospital ka. Nung ako kasama mo sa ER. Nakahug ka sakin nun mi ng matagal. Ang saya ko nun kasi nakahug ka sakin nun mi. Masaya ko nung mga oras na yun kasi nakahug ka sakin, e syempre kahit panganay na lalake ako gusto ko din ng hug ng isang nanay or ng tatay. 

Ang saya ko na ikaw ang naging nanay ko mi. Di lang pala masaya kundi sobrang saya. Salamat sa pagtuturo mo sakin dati nung elem pa ko na inaabot tayo ng 12 para lang maturuan mo ko mi. Yung as in di tayo matutulog hanggat wala akong natutunan. Hay. Ang bilis ng panahon. Ang sakit sakit talaga. Part of me tanggap na tas yung isa hindi pa.

Ang dami ko pang gustong sabihin sana sayo mi kaso wala eh. 

Pero thank you ulit sa lahat mi, sa happy moments pati yung mga moments na nakakalungkot at mga nakakairita or nakakasama ng loob na moments. Thank you sa pagaalaga samin mi at sa pagpapalaki ninyo ni daddy samin ng ganito. Thank you dahil nandyan ka lagi saming magkakapatid. Thank you sa pagiintindi samin mi. Salamat dahil sa mga ngiti mo mi tsaka tawa mo, napapasaya ako (cute mo kaya mi ngumiti). Salamat sa inspirasyon mi. Salamat sa lahat. 

I love you so much mi 💜

(fave color kasi ni mommy purple kaya purple yung heart. )

5 thoughts on “To my mom, 

  1. Teeej,
    I am sorry again for your Mom’s passing. I pray that HE would strengthen you by the power of HIS Holy Spirit so that HIS light would continue to shine more and more brightly through you and that your hearts would be comforted by HIS loving arms.
    ” He heals the brokenhearted and binds up their wounds.”- Psalm 147:3
    Trusting that God’s Grace, Peace and Comfort be with you and your family…

    Liked by 1 person

  2. Our deepest condolences to the whole family…
    Just always pray…
    Your mom may not be here physically but she is just there guiding, caring and continue loving you…
    Endure the pain and God will help you to ease it and carry you on your lowest point…
    To uplift and to make you strong…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s